Cherreads

Chapter 2 - Invalid Class

System Timestamp: 00:08:35 / Boss Session Initiated

Sumasayaw na ang katawan ni Rei sa pagod habang pinupunasan ang dugo sa kanyang bibig. Ang fuse wire sa kamay niya ay parang sirang Christmas light—kumikislap pa rin kahit putol ang dulo.

Sa harapan niya, ang halimaw—Tagapulos ng Grid—ay muling humampas ng poste. Wasak na ang kalahati ng flyover. Lumulubog na ang kalsada sa bawat hakbang ng dambuhala.

> [SYSTEM]: DODGE SUCCESS — +2 EXP

> [SYSTEM]: ENERGY LEVELS: 24%

"EXP? As in experience points?" bulong ni Rei. "Teka… may HUD ako?"

Tumingin siya sa paligid. Parang bumukas ang screen ng utak niya. Lumulutang sa ere ang stats panel, glitching but readable:

---

📊 REI NAVARRO — CLASS: GLITCH (UNREGISTERED)

HP: 61/100

ENERGY: 24%

LEVEL: 1

SKILLS:

Loop Current (Shock pulse)

Glitch Phase (Locked)

STATUS: NON-PLAYER ENTITY / MARKED FOR TERMINATION

---

"Non-player entity?" tumikhim siya. "NPC ba ako sa sarili kong buhay?"

Muling nag-glitch ang hangin. Sa tabi ng dungeon gate, may bumukas na portal. Lumabas ang isang nilalang—hindi halimaw, hindi tao.

Parang tao, pero walang mukha. Para itong mannequin na gawa sa obsidian glass. May suot na futuristic na armor na parang gawa sa error messages.

> [DEBUG NPC-01: Executioner Class Detected]

"TERMINATING GLITCH."

Zzzhhhmmmm!

Sa isang iglap, nasa harap na ito ni Rei. Mabilis. Tahimik. Naka-activate ang "Data Blade", isang sword na may binary glow sa gilid.

Tinamaan si Rei sa braso—SHHK!

"AAARGHH!!"

> [CRITICAL HIT: -38 HP]

HP: 23/100

"Putangina—seryoso kayo?!" tumakbo siya, pilit iniiwasan ang isa pang slash. Pero hindi 'to parang halimaw kanina. Mas mabilis. Mas mautak.

Parang anti-virus na alam ang bawat move niya.

WHAM!

Tumalsik siya sa may MRT railing. Basag ang buto. Nawalan ng paningin ang isang mata.

> [ALERT: FATAL DAMAGE INCOMING]

[EMERGENCY GLITCH UNLOCK — INITIATING PHASE FUNCTION]

Time stopped.

Hindi nag-freeze ang lahat—kundi si Rei lang ang biglang nawala sa space.

Sa loob ng split second, nag-phase siya sa pader. Parang lumusot ang katawan niya sa hangin. Nasa likod na siya ng NPC.

> [SKILL ACQUIRED: GLITCH PHASE v0.1 (Unstable)]

> Phase Time: 0.6 Seconds

> Cooldown: Unpredictable

"Okay lang 'to kung mamatay… basta bago." Inikot niya ang fuse wire sa leeg ng NPC, tapos sinaksak ito ng transformer fragment na dinampot niya mula sa kalsada.

ZAAAP!

Lumiyab ang glitch energy sa NPC.

> [EXECUTIONER DELETED]

+75 EXP

LEVEL UP! > LEVEL 2

NEW SKILL SLOT UNLOCKED

Habang humihingal, napaupo si Rei sa gitna ng EDSA. Ang halimaw—Tagapulos ng Grid—ay unti-unting naglalakad papalapit. Hindi pa tapos ang round.

Pero may narinig siya sa kaliwa.

Boses ng babae.

"Tinatamad akong pumatay ng glitch, pero kailangan ko raw daw."

Sa ibabaw ng billboard, may nakatayo—babaeng may mahabang buhok, itim na armor, at nagliliwanag ang dalawang balisong sa kamay.

"Class Code: Shadow Sentry"

Name: AIKA

Objective: Eliminate Glitch.

More Chapters